Binuksan na nitong Biyernes, June 01, ang nag-iisang mini library sa Barangay San Roque, Alcantara na matatagpuan sa ikalawang palapag ng kanilang barangay hall.
Ang nasabing min-library ay ipinagkaloob sa nasabing barangay ng mga miyembro ng Girl Scout of the Philippines ng Alcantara National High School at bahagi ng Chief Girl Scout Medal Scheme Project in Cultural Heritage of Emie Marife C. Mendezabal.
Malaking tulong ang mini-library para sa mga estudyante sa nasabing barangay dahil pwede silang mag-research dito tuwing Lunes hanggang Sabado.
Matatagpuan sa library ang iba’t ibang variety ng mga libro na pinagkaloob ng ilang pamantasan sa Manila; mga guro, estudyante, at alumni ng Alcantara National High School; at ilng pribadong indibidwal.