Nakiisa rin ang iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Romblon sa isinagawang 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw.
Sa bayan ng Corcuera sa Simara Island, sabay-sabay na nag duck-cover-hold ang mga estudyante at guro ng San Roque Elementary School, kasama ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Mangement Council kaninang hapon.
Kunyari ang may malakas na tumama na lindol sa Pilipinas na naapektuhan ang kanilang lugar kaya sila nag duck-cover-hold hanggang sa pumunta sa open field.
May mga kunyaring sugatan ring kinailangang iligtas ng mga ahensyang miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Mangement Council.
Nagsagawa rin ng parehong earthquake drill sa Santa Maria, Alcantara, Odiongan, Cajidiocan, at sa Romblon, Romblon.