Tiklo sa operasyon ng mga otoridad sa Cajidican, Romblon nitong umaga ng Huwebes ang dalawang lalaking nabilhan umano nila ng ipinagbabawal na droga.
Ang anti-illegal drug buy-bust operation ay kinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – IVB, Cajidiocan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Branch, at ng Romblon Provincial Mobile Force Company sa Barangay Taguilos sa nasabing bayan.
Kinilala ang mga suspek ni Police Senior Inspector Kim Badillo, hepe ng Cajidiocan Municipal Police Station, na sina Zeno Rase Real, 53-anyos; at si Edu Ocampo Artiza, 36-anyos.
Batay sa police report, nakabili umano ang poseur buyer ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu sa mga suspek na nagkakahalaga ng P15,000 gamit ang isang totoong P500 at 29 pirasong pekeng P500.
Agad na inaresto ng mga otoridad ang dalawa matapos na positibong mabilhan ng ipinagbabawal na gamot.
Sinabi rin sa police report na may timbang na 3 gramo ang nabili di umanong shabu sa mga suspek.
Nakakulong na ang mga suspek sa Cajidiocan Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 12 ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.