Bago pa man ako dumating sa Odiongan ay namomonitor ko na ang mga activities ng BJMP – Odiongan District Jail (ODJ) leadership sa pamumuno ni District Jail Warden J/SINSP Irene D. Gaspar. Lalo kong nakumpirma ang husay at pagiging aktibo ni Warden Irene Gaspar at mga kasamahan nya sa BJMP-ODJ nang maimbetahan akong magbahagi sa kanilang seminar kaugnay ng kanilang isinasagawang Community Relations Services patungkol sa basic photography and photojournalism.
Maliban sa nasabing seminar, sunod-sunod ko ng nakikita ang iba’t iba pang mga programa at aktibidades ng BJMP-ODJ na kapaki-pakinabang sa mga inmates at community sa pangkalahatan, katulad na lamang ng 1) Serenade for all Fathers in ODJ, 2) Anti-Smoking Campaign, 3) Outreach Program in Elementary Schools (Progreso Este), 4) Yoga for Peace, 5) Capability Enhancement Activity, 6) Tsinelas Ko Hakbang Tungo sa Pagbabago, 7) Read A Book, 8) Penology Profession/Anti-Smoking Campaign, 9) Bakery and Hand-over of Baking Equipment; 10) Precast Balluster Installation and Handrailings, leading to Masonry NC II, 11) Tree Hugging Activity in relation to National Arbor Day; at 12) Quarterly Medical Mission.
Nakakabilib ang kasipagan at pagiging proactive ng pamunuan ng BJMP-ODJ na dapat maging halimbawa at ma emulate o magaya ng iba pang district jails sa iba’t ibang lugar.
Syempre hindi magiging matagumpay ang mga programa ng BJMP-ODJ kung hindi rin dahil sa suporta ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga pribadong grupo/persona katulad na lamang ng mga lokal na pamahalaan ng Odiongan at Lalawigan ng Romblon sa pamumuno ni Gov. Lolong Firmalo.
Sumasaludo po ako sa inyo.