Mahigit 10 jail officers ng Bureau of Jail Management and Penology – Odiongan District Jail (BJMP-ODJ) ang sumabak sa training patungkol sa basic journalism at photojournalism para mas ma-enhance ang kanilang mga skills sa paggawa ng feature stories at pagkuha ng mga litrato na kailangan para sa official publication ng Bureau of Jail Management and Penology MIMAROPA.
Ayon kay Jail Senior Inspector Irene Gaspar, warden ng Odingan District Jail, malaking tulong ang ganitong seminar para sa mga jail officers ng kanilang Bureau dahil kailangan umano nilang gumawa ng mga press releases para mas makita ng tao ang ginagawa ng BJMP.
Naging tagapagsalita sa kanilang seminar si Engr. Ressie Fos, Managnig Editor ng Romblon News Network (RNN) at Board Chairman ng Alliance of Filipino Journalists in Qatar (AFJQ), kung saan nagbahagi ng kanyang mga kaalaman patungkol sa basic photography at photojournalism.
Nagbahagi rin ng kanyang kaalaman patungkol naman sa basic journalism si Mr. Emmanuel Eranes, host ng programang Mata ng Bayan sa Radyo Natin Odiongan.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng paggunita sa 7th BJMP Community Relations Service Month.