Aabot sa 11 katao ang sinita at inaresto ng mga tauhan ng pulisya sa iba’t ibang bayan sa Romblon nitong Sabado matapos lumabag sa mga pinapatupad na ordinansa sa kani-kanilang bayan.
Sa bayan ng Looc, apat katao ang inaresto matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station na nag-iinuman sa pampublikong lugar sa Barangay Punta. Linabag umano ng apat ang Municipal Ordinance 47-2017 o ang pag-iinum ng mga alak sa mga pambulikong lugar.
Sa bayan ng Romblon naman, dalawa katao ang inaresto rin matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station na nagsisigarilyo sa pampubikong lugar sa kanilang bayan.
Ang mga naaresto ay papalayain kung makakapag bayad ng kaukulang multa sa mga nagawang violations.
Sa San Fernando naman sa Sibuyan Island, 5 menor de edad ang sinita at pinauwi ng mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station matapos lumabag sa Curfew Ordinance for minors.
Naabutan ang mga bata na nasa labas pa ng kanilang bahay kahit dis oras na ng gabi.
Kapag mahuli muli ang mga bata na lalabag sa ordinansa ng kanilang bayan ay papatawan sila ng kaukulang parusa.
Ang nasabing paghihigpit sa pagpapatupad ng mga ordinansa sa bawat bayan sa lalawigan ay kasunod ng utos mula sa Police Regional Office MIMAROPA na ipatupad ng mahigpit ang Oplan Rody (Rid the Streets of Drunkards and Youths).