Pinaalalahanan ng Local Government Unit ng San Fernando, Romblon ang mga bibisita sa sikat na Cresta De Gallo na maging responsable sa mga dala nilang basura pagtutungo ng isla lalo ngayo’y summer.
Kasunod ito ng isinagawang clean-up drive ng mga kawani ng LGU San Fernando sa nasabing isla nitong nakaraang Linggo.
Marami umanong bag ng mga basura ang kanilang nakolekta kung saan ang ilan rito ay mga lagayan ng tubig at pagkain na iniwan sa lugar.
Pinaalala rin ng Local Government Unit na kanilang ipapatupad ng mahigpit ang Anti- Littering Ordinance sa buong San Fernando lalo na sa Cresta De Gallo para mapanatili ang ganda nito sa mga turistang bumibisita.