Nangako ang Office of the President (OP) na kanilang susuportahan ang gagawing sustainable environmental tourism guidelines ng probinsya ng Romblon para mas madagdagan ang turista sa lalawigan.
Yan ang sinabi ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go nang ito ay dumalo sa ginanap na Philippine Councilors League-Romblon (PCL-Romblon) chapter’s 2nd Provincial Assembly sa Mandaluyong City.
Kasama ni Go na dumalo sa event sina Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, OP representatives at ang actor na si Philip Salvador.
Sinabi rin ni Go na dapat masigurado ang kaligtasan ng mga turista na bibisita sa mga sikat na tourist spots sa lalawigan ng Romblon kagaya ng Bonbon Beach at sa Carabao Island kung saan sinisimulan ng dayuhin ng mga turista.
“Tourist destinations such as Romblon would be a lot safer if we fight illegal drugs,” ayon sa bahagi ng speech ni Go.
Ang Romblon na mas kilala bilang Marble Capital of the Philippines ay kinilala na ng Department of Tourism bilang isa sa mga emerging tourist destinations ngayon sa Pilipinas.
Sinabi rin ni Go na mahalaga kay Pangulong Rodrigo Duterte ang turismo kaya siniguro niya na may ipapatupad na mg proyekto ang pamahalaan patungkol sa turismo sa probinsya.