Sumailalim sa mandatory training and orientation ang mga nanalong Sangguniang Kabataan (SK) sa bayan ng San Andres, Romblon nitong Biyernes, May 18.
Ang nasabing training and orientation ay kinakailangan bago makaupo sa kanilang pwesto ang mga nanalo noong May 14 Election sa Sangguniang Kabataan (SK) Election, alinsunod ito sa SK Refort Act at sa utos ng Department of the Interior and Local Government sa isa memorandum noong January.
Sa schedule na nilabas ng DILG-MIMAROPA, simula May 16 hanggang 26 pwedeng pumunta sa mga Municipal Offices ng DILG ang mga nanalo sa SK Election para sumailalim sa nasabing mandatory training and orientation.
Ang nasabing training ay binubuo ng tatlong module, ito ay ang:
Module 1: Decentralization and local governance, History of the SK and the SK Reform Act, also known as Republic Act 10472
Module 2: Meetings and resolutions, Planning and budgeting
Module 3: RA 6713 or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees