Aabot sa mahigit kumulang 6,000 na pinagsamang pulis at sundalo ang ipinakalat sa buong MIMAROPA Region (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) para sa siguridad ng Barangay at Sangguniang Kabataan Election ngayong araw.
Sa joint statement ng Police Regional Office MIMAROPA at 203rd Brigade ng Armed Forces of the Philippines, sinabi nilang sigurado silang mababantayan ng kanilang mga tauhan ang halalan ngayong araw.
Nagpaalala naman si PCSUPT EMMANUEL LUIS D LICUP, Regional Director ng PRO MIMAROPA at si BGEN ANTONIO G PARLADE, JR., Brigade Commander ng 203rd Brigade, na bawal sa mga sundalo at pulis ang pagiging partisan ngayong halalan.
“…to stick to their mandate as well as to not allow any violence nor tolerate any candidate to harass voters by hiring goons or by using Private Armed Groups (PAGs) or for them to be used by the candidates as PAGs,” pahayag pa sa kanilang joint statement.
Payo rin ng AFP at PNP, magreport agad sa pinakamalamit na tauhan ng batas kung sakaling may kahina-hinala tao sa kanilang lugar o di kaya’y mga election related incident na kanilang nasaksikhan.