Simula bukas, Linggo, ay mahigpit ng ipapatupad sa buong bansa ang liquor ban kung saan magbabawal sa pag-iinum, pagbili at pagtinda ng mga alak. Kaugnay parin ito ng nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan elections ngayong Lunes.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), ang liquor ban simula 12:01 a.m. ngayong Sunday at matatapos hanggang 11:59 p.m. ng Lunes.
Pinaalalahanan rin ng COMELEC na hanggang ngayong gabi nalang pwedeng mangampanya ang mga kandidato sa parehong Barangay at SK Election.
Hindi na pwedeng mag bahay-bahay ang mga kandidato, o di kaya’y magsagawa ng mga political rallies sa kani-kanilang lugar.
May kaukulang parusa umano ang mga kandidatong lalabag sa mga nasabing kautusan ng COMELEC.