Simula ngayong araw, May 04, ay pwede nang mangampanya ang mga tatakbo sa darating na May 14 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10246, ang campaign period ay magsisimula ngayong araw hanggang to May 12.
Paalala ng COMELEC sa lahat ng kakandidato, sundin ang mga panuntunan sa pangangampanya katulad nalang ng paglalagay ng mga posters sa tama lamang na lugar o sa common poster area.
Ayon kay COMELEC Spokeperson James Jimenez, bawal maglagay ng mga posters sa labas ng common poster ares, o sa mga public na lugar, o di kayay sa mga private na lugar ng walang pahintulot sa may-ari.