Tatlong bagong Medical Response and Rescue Vehicle ng San Agustin Local Government Unit ang binasbasan ng pari nitong Biyernes, April 06, sa San Agustin Sports Complex.
Ang mga nasabing Medical Response and Rescue Vehicle ay may lamang mga stretcher sa loob na mahuhugot agad kung may rerespundihan.
Ayon sa Munisipyo ng San Agustin, ang mga nasabing sasakyan ay malaking tulong para sa mga taga-San Agustin pagdating sa rescue at emergency services lalo na tuwing kailangan ng ambulansya.
Ang nasabing seremonya ay dinaluhan rin ni Romblon Congressman Emmanuel Madrona at ng ilan pang lokal na opisyal ng bayan ng San Agustin.