Hinihimuk ng Presidente ng Romblon State University na si Dr. Arnulfo De Luna, ang mga bagong graduate sa K-12 na papasok sa universty na kumuha ng kursong may kinalaman sa Agriculture.
Ayon kay Dr. De Luna ng makapanayam ng mga mamahayag sa Kapihan sa Philippine Information Agency Romblon nitong Lunes, “we would like to show them the business side of agriculture. Agriculture is not tailing the land”.
Ngayong June 2018 umano, ililipat na ng Romblon State University Main Campus ang College of Agriculture, Fisheries and Forestry sa Barangay Agpudlos, San Andres, Romblon kung saan may aabot sa 87 hectares na lupa ang pamantasan na maaring magamit ng mga estudyante sa kanilang paglinang sa kanilang kakayahan.
“One of my advocacy there is ‘you enroll in agriculture, we will give you money on your graduation day.’ If i give you a yearling on the first year pagnag-buntis yun, sayo yun, sa second year pagnagbuntis yun, amin yun, sa third year sayo yun,” pahayag ni Dr. De Luna.
Ang mga yearling umano ay pwedeng maibenta ng mula P10,000 hanggang P12,000 at ito umano ay maiipon ng mga estudyante sa kanilang pananatili sa pamantasan.
Gusto ring turuan o i-train ng presidente ng pamantasan ang mga mag-aaral at kung pwede umano kasama ang kanilang mga magulang kung ano diversified farming system o tamang pagtatanim ng mga palay at ng iba pang agriculture products para magamit sa business.
Hinalimbawa nito ang pagkakamali ng ibang rice farmers sa Odiongan, aniya, inuutang na yung itinatanim palang nilang palay. “Wala silang ibang source ng income, kaya ang nangyayari, uutang ka [ng panggastos tapos yung aanihin mo yun rin ang ibabayad sa utang],” pahayag ni De Luna.
Ayon sa Romblon State University simula April 16 hanggang 24 ay pwedeng kumuha ang mga graduates ng entrance exam sa pamantasan.
Magdala lang ng requirements kagaya ng Certificate of Good Moral Character, High School Card/Report Card, PSA Birth Certificate, 2×2 ID Picture at Php100.00 para sa Registration.