Ipinagdiriwang simula nitong April 23 hanggang bukas, April 28 ang ika-5 taon ng Pawikan Festival sa Barangay Agpanabat sa bayan ng Romblon, Romblon.
Suot ang makukulay na damit na a halos humahawig sa isang pawikan, inikot sa ngayong araw, April 27, ng iba’t ibang grupong kalahok sa streetdance competition ang kalsada sa kanilang barangay para magpakita ng kanilang magagandang sayaw.
Naglaban-laban ang dalawang grupo ng kanilang final performance. Todo enjoy naman amg mga manonood sa kanila.
Ang nasabing festival ay nagsimula sa isang grupo na residente ng nasabing lugar na may misyon na iligtas at paramihan ang mga pawikan o green sea turtle na matatagpuan sa dalampasigan ng kanilang barangay.
Isa kasi ang mga Romblon sa mga lugar na madalas pangitlogan ng mga pawikan.