Dinaluhan ng aabot sa 400 na kalahok ang ginanap na kauna-unahang Obstacle Fun Run ng Odiongan Municipal Police Station at Municipal Advisory Council nitong Sabado, April 07, sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Matapos na tumakbo ang mga kalahok sa ruta na Poblacion-Poctoy-Dapawan-Tabin Dagat ay agad na sumuong sa mga obstacle ang mga kalahok kung saan dinaanan nila ang tulay na kahoy, mga gulong, at pumasok sa masisikip na daan na gawa sa garter.
Kahit si Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic na chairman ng Municipal Advisory Council ay nakilahok sa kauna-unahang Obstacle Fun Run.
Ang nasbaing aktibidad ay fund raising activity para sa pag re-organize ng Barangay Peacekeeping Action Team kun
Sa huli, itinanghal na first placer si Jonathan Lordan ng bayan ng Looc, Romblon. Si Ricado Maulion naman na galing pang Cagayan De Oro City ay sumali rin sa nasabing aktibidad at binigyan rin ng parangal bilang pinakamatandang nakatapos sa Obstacle Fun Run.