Wala pang natutukoy na barangay o lugar sa probinsya ng Romblon na pasok sa election hotspot o election watchlist ng otoridad para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa susunod na buwan, ito ay ayon sa Romblon Police Provincial Office.
Sinabi ni Police Senior Inspector Leidelyn Ambonan, spokeperson ng Romblon Provincial Police Office, na base sa kanilang natatangap na report ay maayos naman umano at walang report patungkol sa gulong may kinalaman sa election ang nakakarating sa kanilang opisina.
Samantala, pinulong ngayong araw ni Commission on Elections (COMELEC) Provincial Election Supervisor Atty. Percival Mendoza ang mga hepe ng lahat ng police station sa buong lalawigan kasama ang mga election officers ng bawat bayan upang paghandaan ang darating na halalan.
Paalala ng COMELEC sa mga kandidato, panatilihing payapa ang kanilang mga lugar sa darating na halalan.