Hinikayat ni National Electrification Administration (NEA) Administrator Edgardo R Masongsong ang mga consumers ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) sa ginanap na Rural Electrification Leader’s Convergence sa Virginia Centurione Bracelli School, na ugaliing suportahan ang mga programa ng TIELCO at magbayad sa tamang oras.
Ayon kay Masongsong, ang TIELCO at ang iba pang cooperative ay pagmamay-ari ng mga consumers dahil kung wala ang consumers wala ring hahatiran ng kuryente ang isang electric cooperative.
“Ang isang electic cooperative ay may tatlong sangay, una yung consumers, pangalawa yung board member, at yung pangatlo ay yung mga empleyado ng TIELCO,” pahayag ni Administrator Masongsong ng magsalita sa harap ng mga BAPA Officers sa lahat ng Barangay na nasasakupan ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO).
Sa mensahe ni Masongsong, ipinaliwanag rin nito kung paano nagsimula ang Electrification Project noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sinabi rin nito na ngayong taon ay may dalawang sitio sa mga lugar na nasasakupan ng TIELCO ang mapapailawan sa pamamagitan ng Sitio Electrification Program (SEP) ng National Electrification Administration (NEA).
Dumalo rin ngayong araw si Masongsong sa groundbreaking ceremony ng itatayong wind farm sa bayan ng Romblon, Romblon kung saan inaasahang mag susupply sa Romblon, Romblon ng renewable energy pagnatapos.
Binisita rin ni Masongsong ang Sibuyan Island nitong Sabado at binisita ang ilang renewable source doon ng Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO).