Bilang pakikiisa ng mga tuahan ng Odiongan Municipal Police Station sa pag-alala ngayong araw ng Araw ng Kagitingan, sabay-sabay na naglinis ang aabot 80 sa baybayin ng Barangay Budiong, Odiongan, Romblon.
Tinanggal nila ang mga plastic na nagkalat sa gilid ng dagat, at ang mga basurang kahoy na inanod sa gilid. Ang ilan naman sa mga pulis ay nagwalis at naghakot ng iba pang basura.
Malaking bagay umano ang paglilinis sa nasabing shoreline dahil malapit ito sa isang fish sanctuary na inaalagaan ng Local Government ng Odiongan.
Ang paglilinis umano nila ngayong araw ay pagpapakita na totoong magigiting ang mga kapulisan ng Pilipinas dahil hindi lamang sila umaaksyon sa krimen, kundi sa pagligtas na rin sa environment.