Mahigit 20 na pasaway na motorista na ang natikitan ng Odiongan Municipal Police Station sa loob lamang ng dalawang araw nilang paglalagay ng COMELEC checkpoint sa buong bayan ng Odiongan.
Ayon sa report na nakuha ng Romblon News Network sa Odiongan Municipal Police Station, nitong April 14 ay nakapaghuli sila ng aabot sa 14 na motorista at kanilang nabigyan lahat ng violation ticket mula sa Land Transportation Office. Samantala ngayong April 15 ay may mahigit 8 na ang natikitan ng pulisya.
Karamihan sa mga natikitan ay mga hindi nagsusuot ng standard na helmet sa kanilang pag biyahe.
Sa panayam ng Romblon News Network kay Police Senior Inspector Kenneth Ding Gutierrez, OIC ng Odiongan Municipal Police Station, ang mga checkpoint na kanilang nilalatag ay para maiwasan ang mga krimen lalo ngayong election period.
Paalala ng pulisya, sumunod lagi sa batas trapiko para iwas disgrasya at iwas huli rin.