Kasunod ng isang araw na hindi pagkakaroon ng bentang mga karne ng baboy at manok sa Odiongan Public Market dahil umano sa butcher holiday kasunod ng utos ng pagpapalipat ng operation ng lumang slaughterhouse sa Barangay Tabin-Dagat patungo sa bagong slaughterhouse sa Barangay Anaho.
Inirereklamo kasi ng mga grupo ng meat vendors at butcher ang pangit umanong approach sa kalsada papasok sa bagong slaughterhouse, at ang masikip na operation room.
Sa pagpupulong na naganap sa Conference Hall ng Legislative Building nitong hapon ng Lunes, napagkasunduan ng local government unit at ng meat vendors and butcher na magkakaroon ng dry run ngayong araw sa pagkatay ng mga karne sa bagong slaughterhouse.
Ayon sa Municipal Agriculturist ng Odiongan, ang desinyo ng bagong slaughterhouse ay alinsunod sa standard design na binigay ng National Meat Inspection Service (NMIS) ng Department of Agriculture (DA) sa munisipyo ng Odiongan.
Sinabi naman ni Municipal Administrator Ramer Ramos na handa silang gawan ng paraan ang ilang request ng mga meat vendors at butcher katulad ng pag-adjust sa approach ng kalsada, paggawa ng mechanical trolley, at iba pa.
Ang dry run umano ngayong araw ay makakatulong para maibsan ang kawalan ng bentang karne ng baboy, manok, at baka sa Odiongan Public Market.