Tatlo katao ang naaresto sa ginawang raid ng mga tauhan ng CIDG-Romblon, Odiongan Municipal Police Station, at Romblon Provincial Mobile Force Company, sa isang lugar sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon na may iligal na tupada kaninang hapon.
Ayon sa CIDG, nakatanggap sila ng tawag sa isang concerned citizen na nagkakaroon ng iligal na patupada sa lugar kaya agad kumasa ng operasyon ang mga otoridad.
Pagdating nila sa lugar, agad na nagsitakbuhan ang mga nasa patupada samantalang naiwan at naaresto ang tatlong lalaking kinilala ni CIDG-Romblon Provincial Officer, Police Chief Inspector Jomar Penullar na sina Jambo Martisano Fetalvero, Sanley Nicosia Cruz, at Villamor Oriendo Cruz, pawang mga residente ng Barangay Amatong, Odiongan, Romblon.
Nakuha umano sa tatlong naaresto ang ilang pera, tari, at iba pang gamit panabong.
Nakakulong na ang tatlo sa opisina ng CIDG sa Odiongan at maaring maharap sa kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Cockfighting) na inamyendahan naman ng RA 9287.