Simula noong nakaraang Biyernes, March 16, ay wala ng brownout nanararanasan sa Banton dahil 24-Oras na ang nararanasang kuryente ng island municipality.
Ito ay inanunsyo ng pamunuan ng Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) sa kanilang Facebook Page nitong nakaraang araw.
Ayon sa ROMELCO, ang dating 18-oras lamang na service ng kuryente sa isla ay binago at ngayon ay 24-oras na.
“Ang matagal ng minimithi ng mga taga Banton na 24 hrs na operasyon ng kanilang kuryente ay naisakatuparan na din,” bahagi ng statement ng Romblon Electric Cooperative Inc.
Pinasalamatan naman ng ROMELCO ang National Power Corporation (NPC) sa kanilang dedikasyon sa trabaho upang mabigyang daan ang matagal ng hiling ng mga taga Banton na 24-oras na kuryente.
Dahil sa pagkakaroon ng isla ng 24-Oras na kuryente, asahan na umano ang pagsigla ng isla at paglakas ng ekonomiya sa lugar.