Ilang kabataan na tumatambay sa Fuerza San Andres sa bayan ng Romblon, Romblon ang inirereklamo dahil sa ginagawang ‘pambaboy’ sa mga pader ng isa sa mga historical site ng probinsya.
Sa mga larawan na kuha ni Rose Romblon, isa sa mga bumisita sa lugar, makikita ang ginawang bandalismo ng ibang kabataan sa entrace gate ng Fuerza San Andres at inilalagay pa ang mga mahal nila sa buhay.
Matagal na umanong sinisita ang mga nagsusulat rito ngunit paulit-ulit parin umano ang ginagawa.
Makakasira rin umano ito sa imahe ng Romblon lalo na sa mga dayuhan at turistang bumibista sa probinsya para silipin ang mga magagandang historical sites ng lalawigan.
Ayon kay Jocelyn Molino, Municipal Tourism Officer ng Romblon, Romblon, isa lang umano ang vandalism sa mga problema na kinakaharap ngayon ng sa lugar.
“I told them tat I will ask the Sanggunian to pass an ordinance restricting students from going up the twim forts so as to avoid thse problems,” ayon sa text message ni Molino na pinadala sa Romblon News Network.
“They can only go accompanied by adults, parents or teachers, and that means it’s pureply educational,” dagdag pa ni Molino.