Tinitingnan ngayon ng local government unit ng Odiongan, Romblon kung dapat bang ipasara ang mga videoke bars sa nasabing bayan na walang mga security guard dahil sa ilang krimeng naitala sa lugar nitong mga nakaraang mga buwan.
Isa na rito ang nangyaring pamamaslang sa isang lalaki nitong March 16 ng gabi.
Sa mensahe na pinadala ni Mayor Trina Firmalo-Fabic sa Romblon News Network, sinabi nito na magpapatawag siya ng meeting sa mga miyembro ng Odiongan Municipal Peace Advisory Council at kung inirekomenda ng konseho na ipasara ang mga bars e gagawin niya.
“Kung ang recommendation ng council ay closure, ipapasra nalang ang mga bars,” ayon sa alkalde.
Matatandaang nitong nakaraang taon ay may naiulat rin ang Romblon News Network na kaso ng pamamaril sa loob mismo ng isa sa mga bar sa Barangay Budiong kung saan tatlo ang nasugatan.
Agosto rin ng nakaraang taon ng maiulat ng Romblon Sun ang isa ring nangyaring saksakan sa isa ring bar sa Odiongan.