Isinailalim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang aabot sa 118 na bus ng Dimple Star Transport kasunod na masangkot ang isa sa mga bus nito sa malagim na aksidente sa Sablayan, Occidental Mindoro nitong Martes ng gabi.
Ayon sa LTFRB, hindi hihigit sa 30-araw ang preventive suspension na kanilang ibinababa laban sa Dimple Star Transport.
Kasama sa mga biyahe na na-suspend ay mga bus na may biyaheng Iloilo City to Cubao, Quezon City; Iloilo City to Parañaque City; San Jose, Occidental Mindoro to Sampaloc, Manila; Manila to San Jose, Occidental Mindoro; Dumaguete, Negros Oriental to Cubao, Quezon City; Caticlan, Ilo Ilo Market, Market to Cubao, Quezon City; at Romblon to Cubao, Quezon City.
Inutusan rin ng LTFRB ang Dimple Star Transport na tingnan ang roadworthiness ng lahat ng kanilang bus at pinagre-require rin ang kanilang mga driver at conductor na sumailalim sa training at seminars.
Matatandaang 19 ang nasawi nitong Martes matapos mahulog sa bangin ang bus ng Dimple Star Transport sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro.