Sa hilaga ng Probinsya ng Romblon ay matatagpuan ang Simara Island na puno ng magagandang tanawin at mga tourist spots, isa na rito ang Colong-Colong beach sa Barangay Colong-Colong, Corcuera, Romblon.
Pinong-pino ang mga buhangin dito kagaya ng buhangin na makikita mo sa iba pang bahagi ng Romblon at karatig islang Boracay.
Siguradong mag-eenjoy ang pamilya, barkada, na maliligo rito at may bunos pa dahil patok rin sa lugar ang magandang rock formation na na nasa dulong bahagi ng Colong-Colong Beach.
Ang laking siyudad na si Don Benemerito, pabalik-balik na sa Corcuera simula pa 2011 at ibinahagi niya ang kanyang experience sa unang pagbisita sa magandang isla.
“Maganda ang tubig at buhangin; sabi nga ng mga kaibigan ko na sinama ko doon, mas pino pa raw [kesa] sa Boracay ang buhangin sa Colong-Colong,” pahayag ni Benemerito ng makausap ng Romblon News Network.
“Saka doon ko kasi na experience yung matatawag na probinsya talaga dahil mahina ang signal [ng cellphone] at may oras ang kuryente,” dagdag pa ni Benemerito.
Sinabi ni Benemerito sa Romblon News Network na babalik siya ngayong summer sa Simara Island para pasyalan pa ang ibang magagandang tanawin at pasyalan sa isla.