Hindi pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumiyahe ang isang bus ng Dimple Star Transport na patungo sanang Tablas, Romblon ngayong araw matapos makitaan ng pudpod na mga gulong.
Personal na nag-inspeksyon ngayong araw si LTFRB board member Atty. Aileen Lizada sa terminal ng Dimple Star Transport in Cubao, Quezon City kasunod ng nakasangkutang aksidente ng isa sa bus ng Dimple Star sa Occidental Mindoro kagabi.
Ang pag-inspeksyon ng LTFRB sa mga bus na Dimple Star ay para masigurong ligtas na makakabiyahe ang mga bus patungo sa kanilang ruta.
Dahil sa pagharang ng LTFRB sa bus na biyaheng Romblon, ilang mga sakay nito ang stranded sa terminal at mag-aantay pa ng bagong bus at baka bukas na aalis ng terminal.
Nagpahayag naman ang mga pasahero na dapat umano ay noong nakaraang araw pa o linggo sila nagsagawa ng inspeksyon dahil nakapagresulta umano ito ng abala sa mga pasahero.