Bumaba na ang bilang ng mga tinamaan ng sakit na diarrhea sa bayan ng Magdiwang, Romblon ngayong Marso base sa record ng Department of Health – Romblon at Provincial Health Office.
Ayon kay Ralph Falculan, Public Health Nurse ng DOH Romblon, ng makapanayam ng mga lokal na mamahayag sa Kapihan sa Philippine Information Agency (PIA) – Romblon nitong Lunes, March 19, nasa 7 katao palang ang kanilang naitatala ngayong Marso, kompara sa 40 katao na naitalaga noong nakarang buwan.
“Bumaba na kasi meron namang mga action ang ginawa ang local government doon,” pahayag ni Falculan.
“Noong February, nag-coordinate kami noong nabalita sa inyo [Romblon News Network] na may kaso ng diarrhea, na-call namin yung MHO kung ano ang ginawa nilang hakbang, sa aming parte, nagpadala kaming gamot pang-augment ng Munisipyo sa kanilang pangangailan,” dagdag pa ni Falculan.
Nagasagawa rin umano ng health information drive ang Munisipyo ng Magdiwang sa kanilang mga kababayan kung paano makakaiwas sa diarrhea.
Isa sa mga sintomas ng diarrhea ayon kay Ralph Falculan ay kung magtae ka ng mahigit tatlong beses sa isang araw, na malambot at matubig, kailangan umanong sumangguni agad sa mga health personnel.
“Ang diarrhea kasi alam natin paglumala yan e-pwedeng ikamatay ng ating mga pasyente,’ pahayag ni Falculan.
Matatandaan nitong huling linggo ng Pebrero 2018 ay isang 6-taong gulang na bata ang namatay matapos na magtae at magsuka na isa sa mga sintomas ng diarrhea.