Muling pinatunayan ng mga kabarangayan sa bayan ng Alcantara ang kanilang pagkakaisa para sa kasiyahan nang ibida nila ang makukulay at malikhaing pagdiriwang Saginyogan Festival ngayong taon 2018.
Dinaluhan ng mahigit kumulang dalawang libong katao ang grand showdown ng mga tribu mula sa 12 barangay na sakop ng nabanggit na bayan. Sa streetdancing pa lang ay ramdam na ang saya at tunay na diwa ng pista sa dahil sa makukulay na costume ng iba’t ibang nagsilahok na mga tribu.
Sinundan ito ng Grand Showdown na syang nagpainit sa selebrasyon at mga turistang dumalo.
Sa huli, itinanghal na kampyon ang Tribu Banwa, sinundan ng Tribu Bonlao, pumangatlo naman ang Tribu Madalag, pang apat ang Tribu Calagonsao at pang lima ang Tribu Bagsik.
Kaalinsabay sa pagdiriwang sa ika-57th Founding Anniversary & Town Fiesta ay Gabi ng mga Kawani na dinaluhan ng natatangi nating mga empleyado ng ibat ibang ahensya sa bayan. Tampok din ang patimpalak ng kagandahan sa Search for Miss Alcantara at itinanghal si Bb. Jasmine G. Nuguid bilang Miss Alcantara 2018.
Ipinaabot ang taos pusong pasasalamat ng Alkalde sa bayang ito na si Hon. Eddie C. Lota at mga working committees sa matagumpay na pagdiriwang sa kapistahan sa bayan ng Alcantara.