Hindi nakaligtas sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law maging ang mga dokumento na kinukuha sa Philippine Statistics Authority kagaya ng Birth Certificate, Cenomar, Death Certificate, Marriage Certificate at iba pa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority – Romblon, simula February 02 ay tataas na ang kanilang singil ng P15 dahil sa dagdag buwis sa documentary stamp.
Kung ang birth certificate, death certificate at marriage certificate noon ay makukuha mo sa halagang P140 lamang, ngayon ay magiging P155 habang ang cenomar naman ay makukuha mo ng P210 mula sa dating P195.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang pagtaas ng presyo ay base rin sa bagong rules and regulation ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay sa mga documentary tax rate adjustment na kasama sa TRAIN Law.