Nag-upgrade na sa Long-Term Evolution (LTE) o 4G ang signal ng Smart Telecom sa bayan ng Odiongan, Romblon ngayong hapon ng Biyernes.
Wala pang kumpirmasyon galing sa Accredited Sales Center ng Smart sa Odiongan ang pag-upgrade sa 4G ngunit base sa mga natatangap na report ng Romblon News Network sa ilang Smart User, 4G o LTE na umano ang kanilang nasasagap sa kanilang mga smart phones.
Ang pag-upgrade ng signal ng Smart Telecom sa Odiongan ay malaking tulong lalo na sa mabagal at conggested na sa bandwidth sa sentro ng bayan.
Nitong mga nakaraang araw naman ay nag-offer na ng free upgrade ng simcard ang Smart Telecom para sa mga hindi pa 4G ready na simcards.