Mapapabilang ang Romblon at mga probinsya ng Mindoro, Marinduque, Palawan sa isang estado sa Visayas, base sa proposal na Federal System ni Former Senator Aquilino “Nene” Pimentel, Jr.
Ito ang inihayag ni Pimentel sa isang interview sa DZRH nitong nakalipas na Linggo.
Ayon kay Pimentel, ang mga estado na kasama sa Visayas States ay ang Eastern Visayas, Central Visayas, Western Visayas, at ang Minparom habang sa Luzon States naman ay Northern Luzon, Central Luzon, Cordilleras, Bicol, at Southern Tagalog.
Samantala sa Mindanao ay Northern Mindanao, Southern Mindanao, at ang Bangsamoro.
Sinabi rin ni Pimentel na ang Metro Manila ang ituturing na Capital state katulad ng Washington D.C. sa Estados Unidos.
“Secession cannot be solved by force. The suggested solution: Federalize the country and convert the present Autonomous Region of Muslim Mindanao into a Bangsamoro Federal State” paliwanag ni Pimentel sa Ingles.
Umaasa parin si Pimentel na maa-addopt ng Gobyerno ang proposal niyang Federal Government System. Aniya, maraming magagandang bagay ang Federal System katulad nalang kung may proyekto ang mga rehiyon, hindi na nila kailangang humingi ng approval sa National Economic Development Authority (NEDA) para gawin ito.