May naitalang pagtaas sa presyo ng mga commercial rice sa lalawigan ng Romblon nitong mga nagdaang linggo ayon sa pamunuan ng National Food Authority (NFA) Romblon.
Sa kanilang text message na pinadala sa Romblon News Network, tumaas ng halos P3/kilo ang special rice na dating nagkakahalaga lamang ng P53/kilo; samantalang ang Premum Rice na dating P51/kilo ngayon ay P53/kilo na.
Ang Well-Milled Rice (WMR) na dating P45/kilo ngayong ay nasa P48/kilo na samantalang ang Regular-Milled Rice na dating P37/kilo ngayon ay P40/kilo na.
Ang pagtaas ay maaring epekto ng pagkaunti ng mga NFA Rice sa mga iba’t ibang palengke sa Romblon at maaring tumaas ang demand ng mga commercial rice.
Sinabi naman ni NFA Provincial Manager Romulo O. Aldueza sa mga mamahayag sa Romblon nitong Lunes na walang kontrol ang kanilang ahensya sa mga commercial rice dahil tanging NFA Rice lang ang kanilang pwedeng lagyan ng presyo.