Sama-samang nagtanim ng aabot sa 100 puno ng Calamansi at Narra seedlings ang itinanim ng mga tauhan ng Municipal Risk Reduction and Disaster Management Office (MDRRMO) Odiongan kasama ang mga empleyado ng Local Government Unit ng Odiongan, Odiongan Municipal Police Station, at Bureau of Fire Protection.
Ang nasbaing tree planting activity na may temang “Save the Planet, Save Odiongan, Plant a Tree!!” ay ginanap sa Odiongan Municipal Lot sa Sitio Upper, Dapawan nitong Sabado, February 10, kung saan inaasahang itatayo sa mga susunod na taon ang bagong Municipal Hall ng Odiongan, Romblon.
Layunin ng programa na mas dumami pa ang puno na meron ang Odiongan at mapanatili ang ganda ng tanawin sa lugar.
Kasama ring nagtanim ang mga tauhan ng Field Training Program ng PNP MIMAROPA, SOCO, Romblon Provincial Mobile Force Company, Highway Patrol Group, Alpha Phi Omega Brotherhood, Philippine Army, at mga estudyante at volunteer groups.
Inatasan naman an gmga tauhan ng Philippine National Police at MDRRMO na diligan ang mga itinanim na puno hanggang sa kaya na nitong mag survive mag-isa.