Habang patuloy na sinusulusyunan ng Department of Environment and Natural Resources at ng local government ng Aklan ang problema ng tubig sa Boracay Island, hinikayat ng kilalang Urban Developer sa bansa ang Gobyerno ng Pilipinas na i-develop rin ang mga islang katabi ng Boracay kagaya ng northern Aklan at Carabao Island ng Romblon.
Ayon kay Atty. Jun Palafox sa isang interview nito sa DZMM nitong Linggo, marami umanong magagandang beaches sa mainland Aklan, at sa Carabao Island.
“If it’s possible lagyan ng cable cars, interconnect them para hindi na lahat Boracay,” Palafox said as he bemoaned what he said was improper development of Boracay.”
Sinabi ni Palafox na hindi pa umano huli para sa Gobyerno na itama ang mga pagkakamali sa pagdevelop ng Boracay, may paalala rin siya mga tourist spot sa bansa na tila sumusunod rin sa Boracay.
“Some of our islands nire-repeat yung mistake ng Boracay, kagaya ng cities sa provinces nire-repeat ang mistakes ng Metro Manila,” ayon kay Palafox.