Nasa lalawigan ng Romblon ngayon ang mga representative ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) para itala ang mga health facilities sa buong lalawigan para sa mailagay sa Philippine Health Atlas.
Nag-courtesy call ang grupo kay Mayor Trina Firmalo-Fabic ng Odiongan nitong February 05 bilang hudyat ng kanilang pagsisimula sa pagtatala ng mga healht facilities sa Odiongan Romblon.
Inaasahang iikotin ng grupo ang buong Romblon gayun na rin ang mga isla sa hilagang bahagi ng lalawigan.
Sa mensahe ni Mayor Trina Firmalo-Fabic, sinabi nito na malugod na tinatanggap ng Odiongan gayun na rin ng Romblon ang mga representative ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) para sa kanilang misyon.
Malaking tulong ang gagawing trabaho ng NAMRIA para matala kung ano ang kalagayan ng mga health facilities na meron sa probinsya.