Aabot sa 30 pirasong mga batang pawikan o green sea turtle ang nakita ng isang pamilya sa Barangay Cabolutan sa bayan ng San Agustin, Romblon nitong gabi ng Miyerkules.
Ayon kay Jheel Manipol Maizetre, nakita nila ang mga pawikan na naglalakad sa gilid ng bahay ng kanilang kapitbahay kaya agad silang kumuha ng palanggana at inilagay ang mga nasabing pawikan.
Halata umanong kakalabas lang galing sa itlog ng mga batang pawikan kaya ibinalik nila agad ang mga pawikan sa dagat matapos nila itong bilangin.
Maari umanong may pawikan na nangitlog sa buhangin na malapit sa kanila. Ang Romblon ay madalas na lugar na pinangingitlugan ng mga pawikan o green sea turtle na itinuturing na ngayong Endangered Species.