Niyanig ng magnitude 5 na lindol bandang 5:39 ngayong hapon ang mga probinsya ng Marinduque.
Ayon sa Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS), naitala nila ang sentro ng lindol sa layong 32km South 69 degree West ng bayan ng Boac, Marinduque.
Naramdaman ang lindol hanggang sa mga bayan ng Concepcion, Banton, Corcuera, Calatrava, at Odiongan sa Romblon.
Samantala, sinabi ng PHIVOLCS na wala naman umanong naitalang damage ang nasabing lindol ngunit maaring magkaroon pa ng aftershocks sa mga susunod na oras.