Kung sakaling seryusuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang banta na ipapasara ang Boracay Island na tinawag niyang ‘cesspool’ sa mga turista dahil sa madumi na umano ang tubig sa paligid ng isla dahil sa ilang environmental issues, ay available para sa mga investors ang Carabao Island, Romblon na katabi lang halos ng Boracay.
Kayang-kaya ring pantayan ng mapuputi at mapipinong buhangin ng Carabao Island ang ganda na meron ang Boracay. Ang maganda sa isla ay wala kang kaagaw sa paliligo sa malinis na tubig nito, malayo sa dinudumog na Boracay.
Sa ngayon, may iilang resorts ang nagsimula ng mag invest sa mga white beaches sa San Jose, Carabao Island, kung saan maraming mga bumisita ng Boracay ang tumutungo rito para mag island hopping. May ilang resorts ring nag-o-offer ng mga rooms para may matuluyan ang mga bisitang tutungo sa isla.
Ang Carabao Island ay halos 40-minutong biyahe lamang ng pumpboat galing Boracay Island o sa Caticlan Jetty Port.