Kasama sa mga priority project ng Tourism Road Infrastructure Program or TRIP ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism (DOT) ang circumferential roads ng San Jose, Carabao Island o ‘hambil’.
Ayon kay DPWH Planning Service Director Constante A. Llanes Jr., isa ang circumferential roads ng San Jose, Romblon ang isasama sa 677 projects across 16 regions ng bansa na i-implement sa 2018 TRIP.
Aabot rin umano sa P30.9-billion ang halaga na kanilang inalocate para sa lahat ng proyekto.
Dagdag pa ni Llanes Jr., ang mga nasabing programa ay bahagi rin ng 0+10-point agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan patuloy na magtatayo ng mga projects ang DPWH na makakatulong sa paglago ng agrictulural at rural enterprise productivity ganun na rin ang rural tourism.
Ang kalsada sa San Jose, Romblon ay sinimulang sementuhin noong 2015 at magpapatuloy sa pagsesemento ngayong taon ayon sa DPWH.
Sa halos limang taon, ang Tourism Road Infrastructure Program or TRIP ay may halos P1,500 tourism road projects ng natapos nationwide.