Wagi sa katatapos lang na 15th National Science Quest sa Baguio City ang dalawang estudyante ng Concepcion Norte Elementary School (SSC) ng Santa Maria, Romblon na sina Princess Icy Fillartos at Monique Tamboong.
Ang dalawa, kasama ang kanilang coach na si Edna Foja, ay lumaban sa Science Investigatory Project o SIP bilang representative ng MIMAROPA Region sa nasbaing contest.
Humanga naman si DepEd-Romblon Schools Division Superintendent Roger Capa sa pinakita ng dalawang itinanghal na National Champion sa nasabing competition.
“The way to success in the NATIONAL COMPETITION is difficult but you were able to get yourselves on TOP. You have made us all proud,” pahayag sa facebook post ni Capa.
Samantala, wagi rin bilang silver medalist si James Alde Falcataan ng Mabini National Highschool sa Corcuera sa Science Quiz for Grade 7 student. Natalo ni Falcatan ang 48 na mga estudyante nationwide sa gabay ng kanyang coach na si Marjorie Fajarito.
Wagi rin ng silver medal si Joseph Peter Foley ng Don Carlos MMMNHS sa kategoryang Sci-Improptu Speaking sa gabay ni coach Rosana Rollon Rabino.
Bronze medalist naman sina Henry Visca, Jermalyn Pasig Visca, at Mario Joray Monongdo ng Sta. Fe National High School sa kategoryang Science Improvisation Teacher’s Category.
Bronze medalist rin si Drake Jasper Fajilagmago ng Corcuera National High School sa Science Quiz for Grade 9 student sa gabay ni Coach Hernannie Fabiala.
4th Place naman sa Strategic Intevention Material for Teacher’s Category si Josie Fe Fermanejo ng Odiongan National High School.
5th Place naman sa Electro SciDama si John Cyron Viñegas ng Corcuera National High School sa gabay ni Shalimar Falcunitin samantalang 5th Place rin sa Thi SciDama si Apple Kaye Ibabao ng Romblon State University Science High School sa gabay ni Brix Villanueva.
5th Place rin sa Thermo SciDama si Clyde Fabregas ng Libertad National High School sa gabay ni Eliezar Garcia.