Isa sa mga natatanging booth ngayong taon sa pagdiriwang ng University Week ng Romblon State University ay ang booth ng mga artist ng Guhit Pinas – Romblon Chapter.
Ang produkto ng kanilang talento ay ang magandang 3D Painting na nakaukit sa semento ng lumang building ng Romblon State University NSTP Office.
Makikita sa drawing na tila may iisang bato nalang na nakalutang pwedeng tapakan ng mga tao para makatawid sa kabilang bahagi.
Ang nasabing 3D Drawing ay ginawa umano ng kanilang grupo sa loob lamang ng tatlong araw. Mayroon rin silang mga wall paints na tiyak na pang ‘instagram’ ang dating.
Ayon sa grupo ng Guhit Pinas – Romblon Chapter, bukas ang kanilang booth hanggang matapos ang University Week ngayong Huwebes at pwedeng magpakuha ng picture sa kanilang mga 3D Paiting sa halagang P5-P10 kada isang tao.