Nag-perform ang iba’t ibang grupo sa Corcuera, Romblon ngayong araw suot ang mga Panran o mga kasuotan na gawa sa banig bilang bahagi ng pagdiriwang ng PanranUmag Festival 2018.
Ang PanranUmag Festival ay nagsimula noong 2017 sa ideya ng local na munisipyo ng Corcuera sa pangunguna ni Mayor Rachel Bañares para ipagmalaki ang dalawang produkto ng Corcuera kung saan sila kilala, ang Panran (banig) at ang Umag (white ube).
Nagpakitang gilas ang iba’t ibang paaralan sa group demonstration kung saan nanalo ang mga estudyante ng Corcuera National High School.
Enjoy na enjoy naman ang mga bisitang dumayo pa ng Simara Island para sa nasabing festival.
Natikman rin nila ang Ice Cream na Umag flavor.