Pinasususpedi ng Office of the Ombudsman ng isang buwan ang bise-alkalde ng Calatrava, Romblon na si Vice Mayor Cyril Dela Cruz matapos makitaan ng substantial evidence sa kasong administratibo na isinampa laban sakanya ni Ramon Reandelar, kasalukuyang Indigenous Peoples Mandatory Representative ng Calatrava, Romblon.
Sinabi ni Deputy Ombudsman for Luzon, Gerard A. Mosquerasa sa kanilang desisyon na “There is substantial evidence to hold respondent [Dela Cruz] administratively liable for Simple Dishonesty”. May pinalidad itong isang buwan at isang araw na suspention at walang bayad na sahod.
Samantala, pinakakasuhan rin sa Municipal Circuit Trial Court si Dela Cruz ng kasong paglabag sa Article 172(2) ng Revised Penal Code.
Inatasan na ng Ombudsman ang Department of Interior and Local Government na ihatid ang suspension order sa loob ng sampung araw pagkatapos mailabas ang desisyon.
Sinabi pa sa kautusan na, “In accordance with Section 27(1) of R.A. 6770, otherwise known as the Ombudsman Act of 1989, this Decision is immediately executory and may not be interrupted by any motion, appeal or petition that may be filed by the respondent, unless otherwise ordered by this Office or by any court of competent jurisdiction. Compliance is strictly enjoined pursuant to Section 15(3) and Section 26(4) of R.A. 6770.”
Nag-ugat ang kasong ito ng maghain ng Election Protest si Vice Mayor Dela Cruz sa Office of the National Commission on Indigenous People laban sa pagkakahal ni Reandelar bilang Bantoanon Tribal Chieftain ng Poblacion, Calatrava, at bilang IPMR ng Munisipyo.
Dapat umano ay si Vice Mayor Dela Cruz, na dating Vice Chieftain noon, ang dapat umupo bilang Tribal Chieftain matapos mamatay ang dating Chieftain na si Noe Fetalino.
Subalit, kinampihan si Reandelar ng NCIP at ng Ombudsman at sinabing pinike umano ni Vice Mayor Dela Cruz ang ilang pirma sa election protest.
Sa panayam naman ng Romblon News Network kay Vice Mayor Dela Cruz, sinabi nitong tanggap niya naman ang desisyon ng Ombudsman at handa siyang sumunod rito.
Sinabi niya rin na walang kinalaman sa pagiging Vice Mayor niya ng bayan ng Calatrava ang kasong isinampa sakanya.