Nasilayan ngayong gabi ng mga taga-Romblon ang inaabangang pambihirang pangyayari sa buwan na tinatawag na “Super Blue Blood Moon”.
Sa nasabing pangyayari, sumabay ang full moon, super blue moon, at total lunar eclipse na tinatawag rin na blood moon.
Sa Odiongan, Romblon bandang alas-6 ng gabi ng lumitaw ang buwan ngunit nawala rin ito matapos ang halos 2 oras matapos na matabunan ng mga ulap.
Nasaksihan rin sa ibang bayan ang Super Blue Blood Moon katulad nalang sa San Fernando sa Sibuyan Island.
Inaasahang matapos ang 19-years muli bago masilayan ang Super Blue Blood Moon sa mundo.