Kasalukuyang itinatayo ngayon ng pamunuan ng Romblon State University para sakanilang campus sa bayan ng Cajidiocan ang isang ‘Two Storey Academic Building’.
Ang nasabing building ay inaasahang magkakaroon ng walong silid-aralan para sa mga estudyante ng Romblon State University – Cajidiocan Campus.
Inaasahang sa darating na Mayo matatapos ang nasabing proyekto na pinunduhan ng aabot sa P7,307,172.71 galing sa General Appropriations Act ng taong 2017.
Sinabi naman sa isang Facebook Post ni Sangguniang Bayan member Marvin Greggy Ramos na pinag-aaralan na ng Local Government ng Cajidiocan at ng RSU Cajidiocan ang pagdagdag sa mga courses na ino-offer sa campus.
Ang ilan sa kanilang pinagpipilian umano ay ang BS in Hotel and Restaurant Management, BS in Criminology, BS Political Science at BA Social Science.
Sa ngayon mayroong BS in Elementary Education and Secondary Education; Bachelor in Agricultural Technology at BS in Information Technology sa nasabing campus.