Kung sanay tayo na pinapainum ng tubig na pinaglagaan ng oregano bilang gamot sa ating mga ubo, alam niyo rin ba na gamot rin ang oregano sa iba pang sakit katulad ng sipon at rayuma?
Ang Origanum Vulgare, na mas kilala sa tawag na Oregano sa Pilipinas, ay isang halaman mula sa Lamiaceae na matatagpuan sa kanluran at timog-kanlurang bahagi ng Asya, Europa, at ng rehiyon ng Mediterrenean. Ito ay popular sa maraming lahi at panig ng mundo dahil sa kakayahan nitong manggamot ng iba’t ibang mga karamdaman.
Ang oregano ay mayroong malalambot na dahon na umaabot hanggang tatlong pulgada ang laki, at may mabango ngunit matapang na amoy.
Maraming pakinabang ang halamang oregano pagdating sa larangan ng medisina dahil mayroon itong mga anti-oxidant na lumalaban sa mga free radicals na sanhi ng cancer at iba pang abnormalities sa mga cells, anti-inflammatory na makakatulong sa paggamot ng osteoporosis, anti-bacterial, anti-viral, at anti-fungal properties, na makakatulong gamutin ang iba’t ibang uri ng sakit. Bukod rito, ang oregano ay may taglay ring Vitamin A at Vitamain C, maging ng flavinoids at sterols.
Hindi lamang iyan kundi ang iba pang sakit tulad ng dyspepsia at rheumatism ay maaari ring masolusyunan gamit ang mga dahon ng halamang gamot na ito. Bukod pa rito ay naibsan din ng mga dahon nito ang mga pamamaga at sprains kung ilalagay ito sa bahagi ng katawan na apektado ng mga ito.
Para gamutin ang ubo at sipon, ang tanging kailangan mong gawin ay magpakulo ng tatlong tasang tubig at pagkatapos ay lagyan mo ito ng ilang piraso ng dahon ng organo. Matapos ang labinlimang minuto ay hanguin mo ito at saka inumin ng tatlong beses araw araw upang ikaw ay gumaling.
Kung ikaw naman o ang iyong kakilala ay matanda na at nakakaranas na ng rayuma at arthritis, huwag mag-alala dahil matutulungan ka rin ng oregano. Ang gawin mo ay pigain ang mga dahon ng oregano upang makuha ang katas at saka inumin ng tatlong beses kada araw, pagkatapos kumain.
Happy living everyone!