Binigyan ng bagong twist ng mga organizers ng Biniray Festival 2018 ang ginanap na Civic Parade ngayong taon.
Ang mga dance steps, at costumes ng mga kalahok sa festival ay nagtampok ngayong taon ng kasaysayan at kultura ng Romblon Island kagaya nalang ng unang dumating ang mga sundalong Español sa Isla.
Itinampok rin ng mga kalahok kung paano nabuo ang pangalang Romblon, at ang pagbabatismo ng mga ninuno nating Romblomanon.
Tuwang tuwa naman ang mga nag-abang sa taunang civic parade dahil mas nalinawan sila sa kultura ng bayan ng Romblon.
Nakiisa rin sa civic parade si Mayor Mariano Mateo na naglakad suot ang costume ng isang sundalong Español.
Hindi naman nawala sa parada ang imahe ni Sto Niño de Romblon na inikot rin sa bayan ngayong araw bilang bahagi parin ng pagdiriwang ng Biniray Festival 2018.