Opisyla ng binuksan nitong araw ng Biyernes, January 12, ang taunang kompetisyon sa bayan ng Romblon, Romblon kung saan nagpapatagisan ang mga Romblomanon sa pag-lilok ng marmol: Marble Festival.
Tampok sa kompetisyon ngayong taon ang mga magagandang ukit na gawa sa marmol kagaya ng mga mukha hayop.
Ang Marble Festival, na nasa ika-8 taon na ngayon, ay bahagi pa rin ng Biniray Festival 2018 kung saan inaasahang sasaksihan ng mahigit 5,000 bisita at bakasyunista.
Pinangunahan ni Governor Eduardo Firmalo at Romblon Mayor Mariano Mateo ang pagbubukas ng nasabing kompetisyon.
Hindi lang cash prize ang maiuuwi ng mga nakilahok sa nasabing kompetisyon dahil ang tuwa at saya na hatid ng kanilang mga obra sa mga bisitang makakakita sa kanilang mga gawa ay malaking chance na para maipamalas ang kakayahan ng mga Romblomanon pagdating sa pag-uukit ng marmol.